^

Bansa

10 Grab drivers ginamit na drug couriers

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
10 Grab drivers ginamit na drug couriers

Ito ang ibinulgar kahapon ni Bryan Matthew Cu, Country Head ng Grab sa Pilipinas matapos itong makipagkasundo sa PNP-Highway Patrol Group (HPG) sa ilalim ng pamumuno ni Chief Supt. Arnel Escobal  kaugnay ng pagsailalim sa pagsasanay ng mga Grab drivers hinggil sa road safety and security training program, traffic and security law, road crash responders at anti-criminality. File

MANILA, Philippines — Sampung Transport Network Vehicles Services (TNVs) ng Grab ang walang kamalay-malay na ginawa umanong drug courier sa bagong modus operandi ng sindikato ng iligal na droga.

Ito ang ibinulgar kahapon ni Bryan Matthew Cu, Country Head ng Grab sa Pilipinas matapos itong makipagkasundo sa PNP-Highway Patrol Group (HPG) sa ilalim ng pamumuno ni Chief Supt. Arnel Escobal  kaugnay ng pagsailalim sa pagsasanay ng mga Grab drivers hinggil sa road safety and security training program, traffic and security law, road crash responders at anti-criminality.

Sinabi ni Cu na nakakatanggap sila ng mga report na kinakasangkapan sa kanilang iligal na gawain ng mga organisadong grupong kriminal ang mga TNVs drivers partikular na ang mga sindikato ng droga sa kanilang iligal na aktibidad.

Dahil dito, upang hindi magamit na drug courier ay hinikayat ni Escobal ang mga TNVs drivers partikular na ang Grab na inspeksyuning mabuti ang mga package na kanilang ide-deliver.

Kasabay nito, binalaan ni Escobal ang mga TNVs drivers na maging vigilante dahil sa oras na mahuli ang mga ito ng mga awtoridad na nagde-deliver ng droga ay maaresto ang mga ito at madadamay sa kaso.

Kahapon ay pormal na nagsimula ang training program para sa mga Grab drivers bilang force multipliers ng PNP-HPG .

Sinabi naman ni Cu na nasa 54,000 ang kanilang Grab drivers pero ang isasalang sa training program sa PNP-HPG ay tanging mga pili at full time driver ng kanilang kumpanya.

Idinagdag pa ni Cu na inalerto na nila ang kanilang mga Grab drivers na maging vigilante at agad ireport sa mga awtoridad ang mga kahina-hinalang bagahe na ipinapadala sa mga ito.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with