Umento sa sahod sa NCR inaprub
MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng NCR wage board ang umento sa sahod para sa minimum wage earners.
Sa bisa ng Wage Order No. NCR-21 na inilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR, magkakaroon ng P21 umento ang mga manggagawa ng iba’t ibang sektor.
Mula sa P481 na sahod kada araw, magiging P512 na ang minimum wage para sa mga manggagawa na nasa non-agriculture sector.
Mula naman sa P444 kada araw, magiging P475 ang sahod ng mga nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura, retail, at manufacturing.
Sakop ng kautusan ang lahat ng minimum wage earners sa rehiyon, anuman ang posisyon o status of employment.
Ipinatutupad ang umento bilang tugon sa petisyon ng ilang organisasyon at matapos ang konsultasyon sa iba’t ibang stakeholders.
- Latest