P22.5-B shabu nawawala
MANILA, Philippines - Bukod sa P6.4 bilyong halaga ng shabu na nakumpiska ng Bureau of Customs, aabot pa umano sa P22.5 bilyong droga ang nawawala.
Ibinulgar kahapon ni Quirino Rep. Dakila Carlo Cua, chairman ng House committee on ways, na hindi lang lima kundi 23 kahon ang dinala sa bodega sa Valenzuela City,
Dalawang tonelada umano ang shabu na nasa loob ng 23 nawawalang kontrabando na naipuslit galing China nitong Mayo.
“It’s too alarming,” ani Cua na nagsabing kailangang mahanap ang naturang mga droga bago pa man ito maipakalat sa merkado at makaapekto lalo na sa mga kabataan.
“Five crates lang po ang na-raid ng BoC (Bureau of Custom), sa document there are supposedly 23 packages. Iyun (five crates) lang ang nahuli. Nasaan ang 18 crates? That is potentially tantamount to 2 tons of shabu,” sabi ni Cua.
Noong Mayo nakumpiska ng BoC ang 604 kilos ng shabu sa dalawang bodega sa Valenzuela City matapos magbigay ng ‘tip’ ang General Administration of China Customs.
Nakuha ng Customs ang mga shabu na nakatago ?sa 5 metal cylinders.
Duda si Cua, na maaaring naibenta na ng mga druglords ang mga nawawala pang mga shabu sa iba’t ibang probinsiya.
“Baka kumakalat na ang 2 tons ng shabu na may P22.5 billion halaga,” sabi ni Cua.
Ayon sa ulat, ang mga tauhan ng Taiwanese na si Richard Chen, alyas Richard Tan ang tumanggap ng 23 crates mula sa mga container vans.
Sinasabing si Chen ang umano’y nagpadala ng limang crates na may 604 kilos ng shabu mula China patungong Manila.
Samantala, sinabi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House committee on dangerous drugs, kailangan magsama-sama ang intelligence community para matunton ang nawawalang 18 crates ng hinihinalang may shabu.
“Hindi biro ang magiging lulong sa droga kapag kumalat sa kalsada ang mga nawawalang shabu. Hindi basta-basta matatapos ang problema ni Pangulong Duterte sa illegal drugs,” ani Barbers.
- Latest