^

Bansa

Barker ng dyip nakitang nakabigti

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang 29-anyos na barker o tagatawag ng mga pasahero ng dyip ang nadiskubreng nakabigti sa kable ng kuryente na itinali sa poste ng Manila Electric Company (Meralco) sa loob ng compound ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Malate, Maynila,  kamakalawa ng gabi.

Wala ng buhay umano nang madiskubre ang  biktimang si Beltom Cordero, residente ng no.1930 Leveriza St., Pasay City.

Sa ulat ni PO2 Jonathan Ruiz ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 7:45 ng gabi nang madis­kubre ng isang Alex Alcantara, security guard ng isang kilalang banko na may sangay sa isang kalapit na mall, ang nakabiting bangkay ng biktima, sa poste na nasa loob ng bakod ng PSC, sa Adriatico, Malate, Maynila.

Sinabi ni Alcantara na bandang alas 7:00 ng gabi, nang nasabi ring petsa nang makita pa niya na dumaan ang barker at kumanta-kanta pa ito at kilala niya at ng mga tao sa lugar ang biktima na barker sa lugar ang Adriatico.

Inaalam pa kung nagpakamatay ang biktima o may foul play sa insidente.

BARKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with