^

Bansa

P3.3 T budget aprub

Butch M. Quejada, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang P3.3 trillion na 2017 national budget.

Ginawa ng mga kongresista ang botohan sa huling araw ng kanilang sesyon kahapon bago ang kanilang recess ngayong araw.

Sa botohan para sa House bill 3408, pumabor ang may 243 kongresista sa budget habang 5 naman ang tumutol at isa ang nag-abstain.

Isa naman sa malaking pagbabago sa budget ay ang pagbabalik sa kinaltas na alokasyon sa may 65 State Universities and Colleges (SUCs) at government hospitals.

Hindi pinalusot ng Kamara ang kinaltas ng ehekutibo na alokasyon sa mga SUCs at government hospitals dahil madidiskaril umano ang serbisyo ng mga ito.

Nagrehistro naman si Albay Rep. Edcel Lagman ng reservation sa approval ng 2017 budget dahil wala umanong dahilan para madaliin ito ng Kamara.

Ang 2017 budget ay mas tataas ng 11.6% kumpara sa 2016 budget.

Habang ang top 10 agencies naman na may malala­king alokasyon sa ilalim ng 2017 budget ay ang DepEd, DPWH, DILG, DND, DSWD, DOH, SUCs, DOTr, DA at ARMM.

 

2017 NATIONAL BUDGET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with