^

Bansa

De Lima top official sa drug matrix ng NBP – Digong

Rudy Andal at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinukoy kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Sen. Leila de Lima umano ang highest government official na nasa matrix ng illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP sa Muntinlupa.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa ambush interview ng Malacañang reporters matapos ang mass oath taking ng mga bagong promote na military officials, ilalabas niya ang kanyang ebidensiya na magpapatunay na si Sen. de Lima umano ang highest government official na nasa drug matrix sa Bilibid.

Ginawa ni Duterte ang alegasyon laban kay de Lima kasabay ng ikalawang araw na imbestigasyon ng komite ng Senadora sa Senado kaugnay sa extra-judicial killings tungkol sa pi­naigting na drug war ng gobyerno.

“I will show you the matrix maybe this week. Vina-validate ko lang yung matrix ng Muntinlupa. Andoon si De Lima actually. She (de Lima) plays a key role in Muntinlupa connections,” wika pa ni Duterte sa Malacañang reporters.

Sinabi ni Duterte, ilalabas niya ang drug matrix sa loob ng Bilibid kung saan ay si de Lima ang pinakamataas na opisyal ng gobyerno na sangkot umano sa illegal drugs kasama ang kanyang driver-boyfriend na si Ronnie Dayan.

“There is also a go­vernor involved. He is my friend, but I could not believe it. There’s a governor and an undersecretary,” wika pa ni Duterte.

Ibinunyag ng Pangulo na kasama din sa ilalabas niyang drug matrix sa NBP si dating Justice Usec. Francisco Baraan III na nagsilbi din bilang supervisor ng Bureau of Corrections (Bucor) ng Aquino administration.

Magugunita na tinawag na ‘immoral’ ni Duterte si de Lima dahil sa pagkakaroon nito ng romantic relationship sa kanyang driver-lover na naging kolektor umano ng drug money sa Bilibid.

Nakatakdang imbestigahan naman ng Kamara ang driver-bodyguard ni de Lima na si Dayan kaugnay ng sinasabing drug activities sa NBP. Nais din ipatawag ng Kamara si de Lima sa nasabing imbestigasyon bilang kalihim noon ng DOJ.

Samantala, nanindigan kahapon si de Lima na inosente siya sa pa­ratang ni Duterte na sangkot siya sa ilegal na droga.

Tumanggi rin si de Lima na sagutin ang alegasyon ng Pangulo tungkol sa umano’y ATM records at komunikasyon ng senadora sa kanyang dating driver-bodyguard na si Ronnie Dayan pero tiniyak nitong hindi siya sangkot o nakinabang sa ilegal na droga.

Tinawag din nitong kabastusan ang ginawang pag-upo kahapon ni Sandra Cam sa likurang bahagi ng kanyang upuan habang nagsasagawa ng pagdinig tungkol sa extra-judicial killings. Kabilang si Cam sa mga naniniwalang sangkot si de Lima sa illegal drug trade.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with