^

Bansa

Bulkang Bulusan, patuloy sa pag-aalboroto

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patuloy ang pag -aalboroto ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon Bicol.

Sa nakalipas na 24 oras, ang naturang bulkan ay nakapagtala ng limang volcanic earthquakes, gayundin ng  explosion-type tremor.

Ayon sa Phivolcs, ang naturang bulkan ay nagpakita ng kakaibang mga aktibidad at pag- aalboroto mula pa noong nagdaang buwan ng Mayo at patuloy na nagpapa­kita ng pag-iipon ng lakas para sa isang malakas na pagsabog.

Ang phreatic eruptions ay nagaganap kapag may patuloy na hydrothermal processes na namumuo sa may ilalim ng bulkan.

Bukod sa volcanic quakes at pamamaga ng bulkan, nakapagtala din ang Bulusan ng mahina hanggang sa katamtaman na pagbuga ng puting usok na may 150 meters ang layo sa nakalipas na 24 oras na pagsubaybay sa bulkan.

Patuloy ding ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinumang indibidwal sa loob ng 4 kilometer danger zone sa paligid ng bulkan para makaiwas sa epekto ng pagsabog ng Bulusan.

BASKETBALL

NBA

NBA FINALS 2016

STEPH CURRY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with