Presidential bets sasalang sa debate
MANILA, Philippines – Sasalang na sa debate sa susunod na buwan ang mga presidential bets para sa May 2016 elections kasabay ng isinagawang signing ng Memorandum of Agreement sa Commission on Elections (Comelec).
Kahapon ay pinangunahan ni Comelec Chairman Andres Bautista ang MOA signing sa Palacio del Gobernador na dinaluhan ng mga kinatawan ng TV network, print media at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Ayon kay Bautista, tatlong uri ng diskusyon ang gagamitin ng organizers at kapapalooban ito ng magkakaibang paksa.
Unang isasagawa ang debate sa Mindanao sa Pebrero 21, 2016 at magkakaroon ng dual moderator at tatalakayin ang posisyon ng kandidato sa matinding traffic sa Maynila, electoral at political reforms, foreign policy, tax reform at national defense.
Marso 20, 2016 naman ang ikalawang debate sa Visayas na sesentro sa disaster preparedness at climate change, kalusugan, edukasyon at korupsyon sa gobyerno.
Sa Abril 24, 2016 ang ikatlo na isang town hall debate.
Habang ang vice presidential debate ay idaraos sa Metro Manila sa Abril 10, 2016.
Para kay Bautista, magandang pagkakataon ito para sa mga kandidato upang mailahad nila ang kani-kanilang posisyon sa iba’t ibang usapin.
Hindi naman nila mapipilit ang mga kandidato subalit ang hindi nila pagdalo ay may maliwanag na mensahe para sa mga botante.
- Latest