Abaya, handing bumaba sa pwesto
MANILA, Philippines – Handa raw si DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya na bumaba sa pwesto.
Reaksyon ito ni Abaya sa panawagan nina presidential aspirants Vice Pres. Jejomar Binay at Sen. Grace Poe na sibakin na sa pwesto si Abaya dahil sa kakulangan ng aksyon sa problema sa transportasyon.
Ayon kay Abaya, isang pribilehiyo lamang naman para sa kanya ang maglingkod sa bayan at batid niyang ang naturang pribilehiyo ay maaaring alisin sa kanya anumang oras.
Sa kabila naman ng panawagan, sinabi na ni Pangulong Aquino na mananatiling kalihim ng DOTC si Abaya.
Samantala, ipinagmalaki naman ni Abaya na marami nang naipatupad na pagbabago sa mass transportation system ang kagawaran, kabilang na ang paggamit ng beep cards na pinag-isa na lang ang ticketing system sa mga tren ng MRT at LRT.
Ipinagmalaki rin nito ang mga karagdagang bagon na makukuha na ngayong taon.
Target ng DOTC na maging operational ang 48 bagong bagon sa Enero 2017.
- Latest