Permanenteng pabahay sa street dwellers dapat itayo - Gatchalian
MANILA, Philippines – Nanawagan si Nationalist People’s Coalition (NPC) Rep.Win Gatchalian sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpatayo ito ng halfway houses sa Metro Manila para maging permanenteng bahay ng mga pulubi at homeless na nagkalat sa kalsada na itinago dahil sa nakaraang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit.
Ginawa ni Valenzuela Rep. Gatchalian ang panawagan matapos na ilagay ng Manila social welfare development ang may 267 palaboy sa Roxas Bvld. sa Boystown sa Marikina City.
Aniya, kung makakapagtayo ng halfway house ang DSWD sa Metro Manila ay hindi magkakaroon ng overcrowding sa mga paglalagyan sa mga street children at walang tahahan na nakakalat lamang sa kalsada.
Idinagdag pa ni Gatchalian, kaysa bigyan lamang ng P4,000 ng DSWD ang bawat pamilya bilang tulong sa house rental ng mga ito ay mas angkop na ipagpatayo sila ng halfway house.
Pinayuhan pa ni Gatchalian ang DSWD na makipag-ugnayan sa local government upang makapagpatayo ng halfway houses tulad ng ginawa niya noong alkalde pa ito ng Valenzuela City kung saan ay nagpatayo siya ng Dispilina village housing project.
- Latest