^

Bansa

‘Everyday all-IN-one card’ Globe Gcash Beep Mastercard: pwede na sa LRT at MRT

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigit isang milyong Pinoy na sumasakay sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) araw-araw ang magiginhawaan sa pagbabayad ng kanilang pamasahe dahil puwede nang gamitin ang Globe GCash Beep Mastercard.

Bukod sa pagsi-shopping at pagbabayad ng bills nang walang dalang cash, ang GCash Beep Mastercard ay ang unang value-added card na magiging ‘beep ready’ kung saan ang mga cardholder ay madaling makapaglo-load at makapagbabayad ng kanilang  pasahe sa MRT at LRT.  

Ayon kay Xavier Marzan, President and CEO ng G-Xchange, Inc., isang wholly-owned subsidiary ng Globe Telecom na nagpapatakbo sa GCash, isa sa kanilang mga prayo­ridad ang pagtulong na maging maginhawa ang transaksyon ng mga Globe customers gamit ang tek­nolohiya.    

‘We made sure that the beep functionality is part of the GCash Mastercard. With it, commuters don’t need to line up every time they ride the MRT or LRT which takes a long time, because with the GCash beep Mastercard they can purchase their fare like a stored value card. The tap, swipe and shop feature also makes it easy for customers to just tap the card to pay for their fares, swipe their card for purchases and even shop online for apps and online goods. The GCash beep Mastercard is definitely the commuter’s everyday all-in-one card,” dagdag pa ni Marzan.

Para mag-reload ng beep account, kailangan lamang ng mga customer na ilagay ang GCash beep Mastercard sa ibabaw ng Stored Value Card reader ng Ticket Vending Machine sa anumang LRT/MRT station, piliin ang Stored Value option sa screen, ipasok ang kaukulang halaga sa inilaang slot, at hintaying lumabas ang transaction receipt.

Ang beep ang awto­risadong electronic payment sa ilalim ng unified LRT/MRT ticket system na sinimulan ang full implementation noong nakaraang buwan. Pinatatakbo ito ng AF Payments Incorporated na pangunahing pagmamay-ari ng Ayala Corporation at Metro Pacific Investments Corporation. 

Samantala, para i-load ang GCash account, ang mga card owner ay maaa­ring bumisita sa mahigit 10,000 GCash outlets tulad ng Globe stores, 7-11, Puregold, Tambuting, Villarica at iba pa o via mobile phone banking .

Maaaring mabili ang GCash beep Mastercard sa iba’t ibang caravans (bisitahin ang www.globe.com.ph/gcash para sa detalye) at piling Globe Stores sa halagang P150 lamang,  Maaari ding panatilihin ang beep stored value na hindi lalampas sa maximum beep stored value na P10,000  at valid sa loob ng limang taon. Samantala, ang GCash wallet, ay maaaring tumanggap ng hanggang P100,000.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYALA CORPORATION

BEEP

BEEP MASTERCARD

CARD

GCASH

GLOBE STORES

GLOBE TELECOM

MASTERCARD

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with