^

Bansa

Poe nangunguna, Roxas inungusan si Binay sa SWS survey

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa tuktok pa rin si Sen. Grace Poe sa pinakabagong presidential survey ng Social Weather Stations.

Napanatili ni Poe ang kaniyang pwesto, kung saan tumaas pa ng limang puntos ang kaniyang rating sa 47 percent mula sa 42 percent niya noong Hunyo.

Samantala, umakyat naman sa ikalawang pwesto ang Liberal Party standard bearer na si Mar Roxas na may 39 percent, habang bumaba sa ikatlong pwesto si Bise Presidente Jejomar Binay na may 35 percent.

Umabot sa 18 puntos ang iniakyat ng rating ni Roxas mula sa 21 percent niya noong Hunyo.

Isinagawa ang survey noong Setyembre 2-5 ilang linggo matapos ipakilala ni Pangulong Benigno Aquino III si Roxas na magpapatuloy ng "Daang Matuwid."

Nadagdagan naman ng isang puntos si Binay mula sa kaniyang 35 percent ngunit hindi naging sapat upang maunahan ang kaniyang mga kalaban.

Hindi umabot sa naturang survey ang pagdedeklara ni Poe ng kaniyang kandidatura kasama ang runningmate na si Sen. Francis Edcudero.

Tinanong sa 1,200 respondents kung sino sa tingin nila ang papalit sa pababa nang si Aquino.

ANG

BINAY

BISE PRESIDENTE

DAANG MATUWID

FRANCIS EDCUDERO

GRACE POE

HUNYO

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

PANGULONG BENIGNO AQUINO

ROXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with