Bilang gamot sa malulubhang sakit: Paggamit ng marijuana sinuportahan ng CBCP
MANILA, Philippines – Suportado ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pagsusulong ng panukalang batas sa Kongreso sa pagsasaligal ng paggamit ng marijuana cannabis bilang medical use.
Batay sa pastoral statement ni CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, dapat isaalang-alang ang moral limitations at ethical use sa pagsasaligal ng paggamit ng marijuana o cannabis para sa mga malulubhang karamdaman.
Ipinaliwanag ng Arsobispo na maituturing na morally irresponsible ang paggamit nito kung gagawing libangan at pansariling kaligayahan.
Idiniin pa ng CBCP na pinapayagan ng Simbahan ang paggamit ng mga narcotics drugs tulad ng cannabis o heroin upang ibsan ang matinding sakit na nararamdaman ng mga may malalang sakit.
Subalit iginiit ng Arsobispo na laging ipinaaalala ng Simbahan na maging malakas ang awtoridad at lipunan upang mabantayan at mapigilan ang pang-aabuso sa paggamit ng mga ito.
Layuning ng guidelines na ito, ayon sa CBCP, na mabigyang gabay ang mga mambabatas at iba pang nasa regulatory agency, mga health workers maging Katoliko man o hindi hinggil sa usapin ng ethical and moral principles ng pagpasa ng panukalang batas.
- Latest