Bill oobligahin ang airlines sa refund
MANILA, Philippines – Maoobliga na ang mga airline companies na mag-refund ng buo para sa mga ticket ng mga pasahero na nagkansela ng kanilang flight reservation. Ito ay sa sandaling maisabatas ang House Bill 5676 ni Sorsogon Rep. Evelenina Escudero na nagbibigay ng proteksyon sa interes ng mga pasahero ng eroplano. Nakasaad sa panukala ni Escudero na makakahingi ng full refund ang pasahero para sa kanilang ticket ng walang service charge o cancellation fee. Subalit kailangan lamang maikansela ang flight reservation nito tatlong araw bago ang takdang pag-alis at maibalik ang ticket bukod dito nararapat din ang refund kung kasalanan ng airline ang dahilan kapag naka-miss ng connecting flight ang isang pasahero. Nilinaw naman ni Escudero na ang polisiya tungkol sa refunds ay nakapaloob sa condition of carriage ng civil aeronautic board para sa lahat ng rehistradong airlines dito sa bansa.
- Latest