50 Pinoy nurse hanap ng Ireland
MANILA, Philippines – Isang kompanya sa Ireland ang naghahanap ng 50 Pinoy nars para sa pwestong health service executive at care homes.
Kinumpirma ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz ito base sa ulat ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa London.
“Our POLO in London has verified the 50 job orders of Triopharm Ltd. for nursing positions. It has tied up with Serviecon International Corporation, a licensed Philippine recruitment agency which is conducting sourcing and selection of qualified candidates,” pahayag ni Baldoz.
Kinakailangan ay lisensyado at rehistradong nars sa Pilipinas na may dalawang taong working experience at magaling mag-english na may 6.5 na score sa IELTS ang mga maaaring mag-apply.
Bibigyan ng dalawang taong kontrata ang mga matatanggap na may taunang sahod na €35,000 o nasa P1.7 milyon.
Nagpaalala si Baldoz sa mga interesadong nars na makipag-ugnayan lamang sa mga lisensyadong recruitment agencies sa bansa.
- Latest