2.64M Pinoy walang trabaho
MANILA, Philippines - Pumalo na sa 2.64 milyong Pinoy ang walang trabaho batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) hanggang nitong Enero.
Mas mataas umano ang bilang na ito kumpara sa 2.5 milyong Pinoy na unemployed noong Oktubre 2014 pero mas mababa kumpara sa 2.97 milyon noong Enero 2014.
Katumbas ng pinakahuling bilang ng walang trabaho nitong Enero ang pagpalo ng jobless rate ng Pilipinas sa 6.6%. Noong Oktubre 2014 ay 6% ito samantalang 7.5% noong Enero 2014.
Sa usapin naman ng underemployed o mga Pinoy na may hanapbuhay pero gusto pang magdagdag ng trabaho, pumapalo na ang bilang sa 6.55 milyon o 17.5%.
Hindi naman isinama rito ng PSA ang Leyte at Samar na matinding hinagupit ng bagyo.
- Latest