^

Bansa

Senado kakausapin ng Palasyo sa BBL

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng kahandaan ang Malacanang na makipag-usap din ito sa miyembro ng Senado gaya ng ginawang pakikipag-usap ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga kongresista ukol sa pagsusulong nitong maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL), ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr.

Sinabi ni Coloma na patuloy naman ang konsultasyon ni Pangulong Aquino sa lider ng Kamara at Senado upang ipaliwanag ang pangangailangang maipasa ang BBL sa itinakdang oras nito.

“Batid po nating lahat na mataas ang prayoridad na ibinibigay ni Pangulong Aquino at ng ating pamahalaan sa pagpasa ng Bangsamoro Basic Law. Antabayanan lang po natin kung mayroon po siyang ipatatawag na pagpupulong. Ang batid po natin ay patuloy ang kanyang konsultasyon at pakikipag-ugnayan sa mga lider ng Kongreso kabilang na ang mga lider ng Senado,” wika pa ni Coloma.

ANTABAYANAN

BANGSAMORO BASIC LAW

BATID

COLOMA

HERMINIO COLOMA JR.

KAMARA

KONGRESO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with