^

Bansa

Pemberton binasahan ng sakdal, hindi nagpasok ng plea

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tumangging magpasok ng plea si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton matapos itong basahan kahapon  ng umaga kaugnay sa kasong murder sa pagpatay sa Pinoy transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude noong Oktubre ng nakalipas na taon.

Dahil dito si Judge Roline Ginez–Jabalde ng Regional Trial Court (RTC) Branch 74 na ang nagpasok  ng not guilty plea para kay  Pemberton.

Bago magsimula ang pagbasa ng sakdal ay dumating  dakong alas -5  ng umaga  kahapon si Pemberton  sa Olongapo City Hall of  Justice na bantay sarado sa US security escort nito.

Ang akusado ay nakapiit sa Joint United States Military Assistance Group (JUSMAG), ang US  facility sa loob ng Camp Aguinaldo.

Sinabi ni Olongapo City  Chief Prosecutor Emilie Fe de los Santos na itinakda muli ang pre-trial sa kaso ni Pemberton sa darating na Biyernes at dito’y pinahihintulutan ang magkabilang partido na magprisinta ng kanilang mga testigo.

Si Pemberton ay  kinasuhan ng murder noong Disyembre 15, 2014 kaugnay ng pagpatay kay Laude na na­tagpuan ang bangkay na nakasubsob sa inidoro sa Celzone Lodge sa Olongapo City noong Oktubre 12 ng mada­ling araw o ilang oras matapos itong brutal na paslangin.

Matapos basahan ng sakdal ay agad na umalis si Pemberton sa court room at sumakay sa convoy ng mga behikulo kasama ang mga US security escort nito pabalik sa kaniyang detention facility sa Camp Aguinaldo.

Magugunita na noong Enero 27, 2015 ay ibina­sura ng Department of Justice ang inihaing ‘motion for reconsideration’ ng kampo ni Pemberton na kinuwestyon ang kasong murder na isinampa laban dito sa Olongapo City Regional Trial Court (RTC).

Samantalang may isang taon naman ang korte ng Pilipinas para resolbahin ang kaso ni Pemberton alinsunod sa umiiral na Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng pamahalaan at ng Estados Unidos.

CAMP AGUINALDO

CELZONE LODGE

CHIEF PROSECUTOR EMILIE FE

DEPARTMENT OF JUSTICE

ESTADOS UNIDOS

JOINT UNITED STATES MILITARY ASSISTANCE GROUP

OLONGAPO CITY

PEMBERTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with