^

Bansa

Indonesian Pres. nasa Pinas

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa bansa para sa 3-araw na state visit si Indonesian President Joko Widodo sa paanyaya ni Pangulong Aquino.

Ayon kay Sec. Sonny Coloma, kahapon dumating si President Widodo at tatagal ang state visit nito sa Pilipinas hanggang sa Pebreo 10.

“Ito ang kauna-unahang pagbisita ni Pangulong Widodo sa bansa simula nang siya ay mahalal noong ika-20 ng Oktubre 2014,” sabi ni Coloma sa Radyo ng Bayan.

Bago nagtungo sa Pilipinas ay dumalaw muna ito sa Malaysia at Brunei bilang bahagi ng pagpapakita ng pakikiisa at pakikipagbuklod sa kapwa mga lider sa bansang kasapi ng ASEAN.

Makikipagpulong si Widodo kay PNoy upang ta­lakayin ang mga usaping may mutual concern, kabilang na ang mga isyu tungkol sa mga manggagawa sa ibang bayan (migrant workers), pagtutulungan sa paglalayag (maritime cooperation), tanggulan (defense), kalakalan at pamumuhunan (trade and investment), people-to-people exchanges at iba pa.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, pag-uusapan ng 2 lider ang kampanya laban sa drug trafficking pero hindi binanggit kung mapag-uusapan ang hinggil sa Pinay na nakatakdang bitayin sa Indonesia dahil sa drug case.

 

AYON

BAYAN

INDONESIAN PRESIDENT JOKO WIDODO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG WIDODO

PILIPINAS

PRESIDENT WIDODO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

SONNY COLOMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with