P30 taas pasahe sa LRT, MRT tuloy na
MANILA, Philippines - Wala nang nakikitang balakid ang gobyerno sa ipapatupad na fare hike sa MRT at LRT na sisimulan ngayong Enero 4.
Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, sa kasalukuyan ay wala namang ipinalabas na anumang kautusan ang hukuman upang pigilan ang nakatakdang pagtataas ng pasahe sa LRT at MRT na magiging epektibo ngayong Linggo.
Naunang inanunsiyo ni DOTC Sec. Jun Abaya na magiging P30 na ang pasahe sa LRT 1 mula Monumento-Baclaran na dati ay P15 habang ang pasahe sa LRT 2 ay magiging P25 mula sa dating P15 na mula Recto hanggang Santolan at magiging P28 na ang pasahe sa MRT 3 mula North Ave. hanggang Taft Ave.
Sisikapin naman ng Bayan Muna na harangin ang nakaambang fare hike na ito ng MRT at LRT sa pamamagitan ng pagsasampa ng petisyon sa Korte Suprema.
Ikinatwiran ng Malacanang na matagal nang dapat ipinatupad ang fare hike sa MRT at LRT subalit ilang ulit na rin itong ipinagpaliban.
- Latest