^

Bansa

Passport printing, walang aberya ngayong 2015 – DFA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang magaganap na pagkaantala o pagkaputol sa pag-iisyu ng pasaporte ngayong taong 2015.

Ang pahayag ay ginawa ng DFA matapos na lumabas sa isang pahayagan na magkakaroon ng “disruption” at mahaharap sa problema sa printing ng mga pasaporte ngayong 2015.

“The DFA assures that there will be no service disruption in the issuance of passports after 31 December 2014,”ayon sa ipinalabas na statement ng DFA.

Base sa naturang artikulo, inaasahan umanong maharap sa problema ang proseso ng paggawa ng mga pasaporte dahil ang kasalukuyang printing deal sa pagitan ng DFA at isang printing firm ay napaso o nagtapos na noong Disyembre 31.

Nilinaw ng DFA na walang “deal” sa pagitan ng DFA at anumang firm na nag-expire ng nasabing araw. 

“Technical support is in place for the e-Passport system and it will continue during the lifetime of the said system,” ayon sa DFA.

Siniguro rin ng DFA na ang special software na ginagamit sa e-Passport system ay nasa maayos at tiwasay.

“Manual intervention on the data page is not possible. The software being used was designed to secure personal data from the point of capture to the personalization site,” ayon pa sa statement.

Umaabot sa may 3,000 pasaporte ang napopro­seso ng DFA kada araw habang maaari ring mag-apply ng pasaporte sa mga satellite offices nito sa mga mall sa Metro Manila. (Ellen Fernando)

 

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DFA

DISYEMBRE

ELLEN FERNANDO

METRO MANILA

NILINAW

SINIGURO

TINIYAK

UMAABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with