^

Bansa

Pagdami ng may AIDS sisilipin ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Senator Nancy Binay sa kinauukulang komite ng Senado ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Filipino na may Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immunodeficiency Syndrome  (AIDS).

Ipinaliwanag ni Binay na mahalagang magkaroon ng public awareness lalo pa’t inaasahang lalampas sa 30,000 ang bilang ng mga may HIV ngayong taon kung saan anim na kaso ang napapaulat sa isang araw.

Ayon pa umano sa Philippine National AIDS Council (PNAC), dumarami ang bilang ng may HIV at AIDS epidemic dahil sa “direct casual connection ng female sex”.

Naniniwala si Binay na kulang pa rin ang pondo at suporta ng gobyerno para masawata ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon ng HIV at AIDS.  Mahalaga aniya ang pagsasailalim sa HIV test lalo na ng mga tao may “high risk activities”.

Ayon pa umano kay Ferchito Avelino, secretary ng PNAC, sa mga nakaraan, ang mga nangganganib lamang na magkaroon ng nasabing sakit  ay ang mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalake at PWID o “people who inject drugs” pero sa ngayon, ang nagkakaroon na ng ugnayan ang mga tinatawag na “high-risk population” sa general population.

Idinagdag ni Binay na nakakaalarma na ang bilang ng mga may HIV at AIDs kaya napapanahon ang gagawing im­bestigasyon ng Senado.

 

ACQUIRED IMMUNODEFICIENCY SYNDROME

AYON

BINAY

FERCHITO AVELINO

HUMAN IMMUNODEFICIENCY VIRUS

PHILIPPINE NATIONAL

SENADO

SENATOR NANCY BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with