^

Bansa

JPE, Jinggoy may suweldo na ulit

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Makakatanggap ng suweldo bilang mga mambabatas sina Senators Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada dahil tapos na ang 90 araw na suspensiyon na ipinataw sa kanila ng Senado base na rin sa kautusan ng Sandiganbayan.

Sinabi ni Senate President Franklin Drilon na nagtapos ang pagkaka-suspendi kay Enrile noong Nobyembre 28, samantalang nagtapos naman ang kay Estrada noong Nobyembre 29, 2014.

“We simply implemented the order of the Sandiganbayan in sofar as the suspension of the three senators are concerned. The Sandiganbayan  ordered their suspension for 90 days. The suspension of Sen. Enrile ended on Nov. 28, 2014. That of Sen. Estrada ended on Nov. 29, 2014. So in accordance with the order which we implemented, the suspensions were terminated on those days, on the end of the 90-day period,” pahayag ni Drilon.

Ipinaliwanag  din ni Drilon na ibabalik ang suweldo ng mga nakakulong na senador dahil hindi pa naman sila napapatunayang nagkasala.

Inihayag din ni Drilon na lahat ng mga prebelehiyong nararapat sa dalawang senador ay muling maibabalik sa kanila kahit pa nakakulong pa rin  ang dalawa dahil sa kinakaharap na kasong graft and corruption at plunder matapos maakusahan nakinabang sa kanilang Priority Development Assistance Funds (PDAF).

Pero nilinaw ni Drilon na bagaman at maaaring makapaghain ng mga panukalang batas at mga re­solusyon ang dalawang senador kahit sila ay nakakulong, hindi naman sila maaaring sumali sa mga botohan ginagawa sa Senado.

DRILON

ENRILE

JINGGOY ESTRADA

NOBYEMBRE

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUNDS

SANDIGANBAYAN

SENADO

SENATORS JUAN PONCE ENRILE

THAT OF SEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with