^

Bansa

EDCA iimbestigahan ni Miriam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iimbestigahan ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na nilagdaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Amerika noong Abril 28, 2014.

Ayon kay Santiago, chairman ng Senate Committee on Foreign Relations na mahalagang masagot kung kinakailangan pa ng concurrence ng Senado ang nasabing  military agreement na tatagal ng 10 taon.

Pinapayagan sa EDCA ang pagtigil sa teritoryo ng Pilipinas ng mga tropang Kano pero hindi sila puwedeng magtayo ng anumang uri ng military base o maglagay ng nuclear weapon sa bansa.

Naniniwala si Santiago na mahalagang malaman kung kinakailangan pa ba talaga ng na­sabing military agreement at kung makakatulong ito sa bansa.

Bagaman at may nakahain ng petisyon na kumukuwestyon sa constitutionality ng EDCA, hindi ito hadlang sa gagawing imbestigasyon.

Tatalakayin din sa pag­dinig ang constitutional ban ng mga foreign military bases, troops o pasilidad.

 

ABRIL

AMERIKA

AYON

BAGAMAN

ENHANCED DEFENSE COOPERATION AGREEMENT

FOREIGN RELATIONS

IIMBESTIGAHAN

PILIPINAS

SENATE COMMITTEE

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with