FOI bill lusot sa komite
MANILA, Philippines – Aprubado na sa House Committee on Public Information sa Kamara ang consolidated version ng kontrobersyal na Freedom of Information (FOI) bill.
Sa botong 10-yes at 3-no, aprubado na ng komite ang Technical Working Group (TWG) report sa consolidated na FOI bill.
Kabilang naman sa hindi pumabor sa nasabing report sina Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, Act partylist Rep. Antonio Tinio at Camiguin Rep. Xavier Romouldo.
Ayon kay committee chairman Jorge Almonte, siyam na beses ng nagpulong ang TWG bago nabuo ang consolidated version ng 24 FOI bills.
Dalawang beses naman nag manifest si Diwa Rep. Emeline Aglipay-Villar na pagbotohan na ang consolidated version bago natuloy ang botohan.
Tinangka naman itong pigilan ng mga miyembro ng Makabayan bloc at iginiit na amyendahan muna ang ilang probisyon ng FOI na nagpapahina umano sa panukala.
Samantalang hindi naman pabor dito si Romouldo dahil kailangan pa umano ng konsultasyon dito.
- Latest