Pag-atras ni Binay sa debate walang epekto sa 2016 – UNA
MANILA, Philippines – Walang nakikitang epekto ang United Nationalist Alliance (UNA) sa kandidatura ni Bise Presidente Jejomar Binay sa 2016 matapos siyang umatras sa debate nila ni Senador Antonio Trillanes.
Ayon kay UNA interim president at Navotas Rep. Toby Tiangco ay mas mahalaga na unahin ni Binay ang kanyang trabaho bago ang pagsagot sa mga paratang sa kanya.
“Walang epekto,” pahayag ng kongresista sa GMA News. “Walang mawawalang boto sa hindi pagpunta sa debate.”
Kaugnay na balita: Trillanes: Baka ipapatay ako ni Binay
“Binoto siya para mag serbisyo hindi para depensahan ang sarili niya.”
Sinabi pa ni Tiangco na pinipilit ng mga kalaban nila ang Bise Presidente na patulan ang mga paratang sa kanya upang tumatak sa publiko ang kanyang pagdepensa sa sarili at hindi ang paggawa ng kanyang trabaho.
“Gusto ng mga kalaban niya na sumagot siya (Binay) para ang tumatak na impresyon ng mga tao ay hindi isang bise- presidente na ginagawa ang trabaho. Ang gusto nila ay isang bise presidente na dinedepensa ang sarili niya,” ani ng UNA interim president.
Kaugnay na balita: Binay umatras sa debate vs Trillanes
“Wala kang makukuhang boto dahil nadepensahan ng mabuti ang sarili niya, may makukuha ka na boto kung nakikita na nagtatrabaho ka para iyong mga kababayan na pinangakuan mong serbisyuhan,” dagdag niya.
Samantala, ganito rin ang pahayag Cavite Governor Jonvic Remulla, ang tagagpagsalita ni Binay.
“Despite what has happened, the Vice-President remains number one in all the surveys,” wika niya sa hiwalay na panayam sa ABS-CBN News Channel.
- Latest