P224.5-M kickback ni Revilla giit ng prosecution
MANILA, Philippines – Pinanindigan ng prosekusyon na mula sa illegal na aktibidad ang umanoy P224.5 milyon ni Sen. Ramon Revilla Jr. na sinasabing kickback nito mula sa kanyang PDAF na inilagay sa pekeng NGO ng negosyanteng si Janet Napoles.
Ito ay makaraang magsampa ang prosekusyon kahapon ng motion for notice of garnishment sa Sandiganbayan 1st division upang mapangasiwaan ng korte ang naturang pondo habang dinidinig ang kaso ng naturang senador.
Ang pagsasampa naman ng prosekusyon ng mosyon ay bunga na rin ng ulat ng AMLC na wala silang nakitang bank deposits ng senador na nagmula sa NGO ni Napoles o galing man kay Napoles.
Ang garnished properties ay maaaring cash, lupain o shares of stocks.
Ang notice of garnishment ay isang legal notification na naisisilbi sa third party para pigilan, pangasiwaan ng korte ang anumang ari arian o pera ng isang nasasakdal na dinidinig ang kaso.
Kapag nakapagpalabas ng notice ang korte, ang naturang pondo ni Revilla ay mailalagak sa garnished assets ng pamahalaan at kapag napatunayang mula ito sa illegal na paraan ay maari itong mapakinabangan ng taumbayan.
- Latest