^

Bansa

Maaanomalyang kontrata dapat malantad – UMAC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napapanahon nang ilantad at mahikayat ang iba pang mga personalidad na makatuwang sa pagbubulgar ng mga maanomalyang kontrata ng iba’t ibang mga naging proyekto sa lungsod ng Makati upang masupil na ang corruption tulad sa kontrobersiyal  na overpriced parking building.

Ito ang naging pagpupunto ni United Makati Against Cor­ruption (UMAC) lead convenor Atty. Renato Bondal kahapon ng umaga nang dumalo ito  sa “mass against corruption”  kasama ang kanilang mga tagasuporta na isinagawa sa  St. Joseph Parish Church sa Makati, ka­sabay ng panawagan  sa mga  mamamayan na ipagdasal ang kanilang grupo sa paglaban sa  corruption sa lipunan. “Hiling din namin sa mga mamamayan na isama sa kanilang panalangin na sana’y mabulgar ang iba pang over-priced na buildings na ipinagawa sa Makati at iba pang mga maanomalyang kontrata simula noong Mayor pa lamang si VP Jejomar Binay,” saad ni Atty. Bondal.

Sa pagsugpo ng corruption sa ating lipunan na sumisira sa daang matuwid na ibinabandera ni Presidente Noynoy Aquino ay nilalayon ng UMAC  na ang kanilang grupo ay magsilbing modelo o halimbawa sa lahat ng mamamayan na huwag matakot sa pagbubulgar sa mga maling gawain  ng ating mga government officials. Bunsod nito ay naihayag ng naturang grupo na ang nagaganap na imbestigasyon ngayon ng senado sa mag-amang Binay ay kinakailangang panagutan ng mga ito ang maanomalyang  kontrata na kanilang pinasok, kung saan ang mamamayan naman ng Makati ang nagsipasan ng mga ito.  Nakatakda rin nilang ilunsad ang ‘Black ribbon campaign’ na ito ay ang pagsusuot ng itim na laso o ribbon na sumisimbolo ng kampanyang tuluy-tuloy na laban para sa kalinisan at kaunlaran.

BINAY

JEJOMAR BINAY

MAKATI

PRESIDENTE NOYNOY AQUINO

RENATO BONDAL

ST. JOSEPH PARISH CHURCH

UNITED MAKATI AGAINST COR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with