^

Bansa

Stamp na ‘Not Valid for Travel to Libya’ itinanggi ng DFA

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na naglalagay sila ng stamp na may katagang “Not Valid for Travel to Libya” sa mga pasaporte ng Pilipinas.

Ayon sa DFA, hindi sila nag-aanunsyo ng anumang plano na tatakan o lagyan ng stamp na nagsasaad ng restriction o pagbabawal sa mga pasaporte na kanilang iniisyu.

Iginiit ng DFA na nananatili sa crisis alert level 4 sa Libya at kasaluku­yang nagsasagawa ang pamahalaan ng repatriation operations para sa mga Pinoy sa nasabing bansa.

Sa nasabing alerto, ipinatutupad ang total ban sa lahat ng mga Pinoy, maging ang mga OFWs na tumungo o magtrabaho sa Libya.

Muling umapela ang DFA sa lahat ng Pinoy sa Libya na magsilikas at agad na kumontak sa Embahada ng Pilipinas sa Tripoli.  

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

IGINIIT

NOT VALID

PILIPINAS

PINABULAANAN

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with