2K sako ng NFA rice nabawi sa Iloilo
MANILA, Philippines - Nasa 2,000 sako ng National Food Authority (NFA) rice na binebenta bilang commercial rice ang nasamsam ng National Bureau of Investigation sa lalawigan ng Iloilo.
Huli sa akto ang ilang tauhan ng warehouse na pagma-may-ari ng isang Dennis Devicente na nagre-repack ng NFA rice.
Bukod sa pagkumpiska ng mga bigas, ikinandado rin ng NBI ang warehouse sa sa Barangay Napnud, Leganes upang matiyak na walang magagalaw sa mga ebidensya.
Base sa intelligence reports, nagmula ang mga NFA rice sa warehouse nito sa Roxas, Capiz at ibebenta sana sa Iloilo.
Nahaharap sina Devicente sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 4 o ang Diversion and Illegal Distribution of NFA rice.
- Latest