^

Bansa

Pinoy couple utas, anak kritikal sa tornado sa US

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang mag-asa­wang Pinoy habang 36 katao pa ang sugatan kabilang ang kanilang 13-anyos na anak nang manalasa ang tornado o buhawi habang nagka-camping ang mga biktima sa Cape Charles, Virginia, USA kahapon.

Kinilala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasawing Fi­lipino-American couple na sina Lord Balatbat at Lolibeth Ortega, kapwa 38-anyos ng Jersey City, New Jersey.

Sa ulat ng Virginia State Police, biglang nanalasa ang F1 tornado sa nasabing lugar at kabilang sa tinamaan ang Cherrystone Fa­mily Camping and RV Resort kung saan nagka-camping ang mga biktima sa Chesapeake Bay ng Northampton County kahapon (Huwebes sa US).

Minalas na nadaga­nan ng bumagsak na puno ang tent ng mag-asawa habang isa pang puno ang bumagsak sa hiwalay na tent ng kanilang anak. Ang nasabing bata ay isinugod sa Children’s Hospital at nasa kritikal na kondisyon.  

Tumama ang buhawi at sinasabing may 1,300 katao ang nasa campground na may swimming pools, mini-golf, pier fishing, crabbing na maganap ang insidente.

Dahil sa matinding hangin, may 40 hanggang 50 puno sa park ang napabagsak nito at ilang sasakyan ang bumaligtad.

 

CAPE CHARLES

CHERRYSTONE FA

CHESAPEAKE BAY

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JERSEY CITY

LOLIBETH ORTEGA

LORD BALATBAT

NEW JERSEY

NORTHAMPTON COUNTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with