^

Bansa

65% ng MERALCO kostumer may kuryente na

Mer Layson at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 65% ng franchise area o kostumer ng Manila Electric Company (MERALCO) ang mayroon ng kur­yente hanggang nitong alas-11:00 ng umaga ng Huwebes.

Ayon kay MERALCO  Spokesman Joe Zaldarriaga, 81% naman na kanilang kostumer  sa  Metro Manila ang naibalik na rin ang suplay ng kuryente.

Kabilang  naman sa mga lugar na wala pang kuryente sa National Capital Region (NCR) ay ang  area ng Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela), ilang bahagi ng Quezon City, Parañaque City, Alabang, Muntinlupa City at ilang bahagi ng Maynila.

Nasa 99.98% naman ng franchise area ng Meralco sa Quezon province ang wala pa ring suplay ng elektrisidad, gayundin ang 97% ng consumers sa Batangas, 66% sa Cavite, at 66% sa Laguna.

Nitong Miyerkules, umabot sa 90% ng franchise area ng Meralco ang nawalan ng suplay ng elektrisidad matapos ang pananalasa ng bagyong Glenda.

 

ALABANG

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

METRO MANILA

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL CAPITAL REGION

NITONG MIYERKULES

QUEZON CITY

SPOKESMAN JOE ZALDARRIAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with