^

Bansa

Yolanda survivors sa Iloilo walang natanggap na tulong

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala pa ring nakakarating na tulong mula sa gobyerno ang mga survivor ng super typhoon Yolanda sa Iloilo.

Ito ang sinabi ni Jaro Archbishop Angel Lagdameo, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Confe­rence of the Philippines (CBCP).

Bukod umano sa tulong na hindi dumara­ting, wala ring nakikitang rehabilitasyon mula sa gobyerno ang nasabing lalawigan.

“Well, hindi ko nakikita ang tulong ng gobyerno, ang nakikita ko lamang ay yung tulong ng Austria, mga Caritas Social Service,” ani Lagdameo, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Lubos namang nagpapasalamat ang arsobispo sa international aid ng Caritas Austria sa rehabilitation program ng Archdiocese of Jaro para sa mga napinsala ng bagyo.

Iniulat ng Arsobispo sa Radio Veritas na 1,000-bahay ang ipinapatayo ng Caritas Austria sa Concepcion at Banate sa Jaro, Iloilo na titirhan ng 1,000 pamilya na nawalan ng tirahan at kabuhayan sa pananalasa ni Yolanda noong Nobyembre 2013.

Tuloy-tuloy rin at pina­lawak pa ng Archdiocese ang kanilang livelihood program sa lahat ng apek­tado ng Yolanda sa Iloilo.

Nabatid mula sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 290,777 pamilya o 1.3 milyong tao ang naapek­tuhan ng super bagyo.

 

ARCHDIOCESE OF JARO

CARITAS AUSTRIA

CARITAS SOCIAL SERVICE

CATHOLIC BISHOPS

ILOILO

JARO ARCHBISHOP ANGEL LAGDAMEO

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

RADIO VERITAS

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with