Tubig sa Angat Dam bumababa
MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagbuhos ng ulan, patuloy pa rin ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.
Ang Angat dam sa Bulacan na nagsu-suplay ng 90 porsiyento ng tubig sa Metro Manila ay nagtala ng lebel ng tubig sa 167.58 meters, mula sa 167.82 meters noong Sabado. Mas mababa ng 10 metro sa 160-meter critical level para sa inumin.
Nauna rito, bumaba na ang tubig sa Angat dam ng 180 meter critical level para sa pagsuplay ng tubig sa irigasyon.
Bumaba rin ang mga lebel ng tubig sa nakaraang 24 oras sa mga pangunahing dam sa Luzon kabilang ang Ipo; La Mesa; Ambuklao; Pantabangan at Magat.
Tumaas naman ang lebel ng tubig sa Binga, San Roque at Caliraya.
Nitong Hunyo 10 ay idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa, subalit iginiit nito na maaring magkaroon ng mababa o normal na pag-ulan lamang simula September bunga ng nararanasang El Niño phenomenon.
- Latest