Leptospirosis tataas ngayong tag-ulan
MANILA, Philippines - Inaasahang tataas ngayong tag-ulan ang kaso ng leptospirosis.
Ayon kay Health Usec. Eric Tayag, director ng National Epidemiology Center (NEC), asahan na ang pagdami ng mga tinamaan ng leptospirosis at iba pang sakit 10 araw matapos ang matinding pagbaha.
Inatasan na rin ang mga ospital ng pamahalaan na maging handa at unahin ang mga pasyenteng infected ng mga sakit dahil sa pagbaha.
“Leptospirosis cannot just be treated at home so we advise patients to immediately seek medical treatment once they have been exposed to flood and manifested symptoms of the infection,†paliwanag ni Tayag.
Karaniwan nang nakakaramdam ng pamamanhid, mapulang mata, naninilaw na balat at pagkakaroon ng kulay-tsaa ang ihi.
Upang makaiwas sa leptospirosis, pinayuhan ni Tayag ang publiko na manatili na lamang sa bahay o gumamit ng boots sa panahon ng baha.
- Latest