Filters ng sigarilyo gagawing biodegradable
MANILA, Philippines - Matapos maratipikahan ng Senado ang paglalagay ng graphic health warnings sa mga pakete ng sigarilyo, nais naman ni Senator Miriam Defensor-Santiago na gawing biodegradable ang filters ng mga sigarilyong ipinagbibili sa bansa.
Sa Senate Bill 2276 o Biodegradable Cigarette Filters Act of 2014, sinabi ni Santiago na nakakadagdag ang mga filters ng sigarilyo sa tone-toneladang basuÂra sa bansa.
Ang filters aniya ng sigarilyo ay kabilang sa mga “most commonly discarded piece of waste†at tinatayang umaabot sa 1.69 bilyon pounds ng filters ang naiipong toxic trash sa buong mundo sa loob lamang ng isang taon.
Ipinunto pa ni Santiago na ang filters ng sigarilyo ay hindi natutunaw o bumabalik sa lupa.
Nagiging banta pa umano ang mga filters ng sigarilyo sa daluyan ng tubig at posibleng maging sanhi ng pagbabara ng mga drainage.
Malaking tulong aniya sa kalikasan kung gagawing biodegradable at mababawasan ang posibleng chemical reactions ng filters ng mga yosi.
Ang panukala ni Santiago ay itinulad sa Senate Bill No. 3427 ng New York State Assembly.
Papatawan ng hindi lalampas sa P250,000 multa ang mga indibiduwal o korporasyon na lalabag sa kautusan.
- Latest