18,000 pulis ikakalat ng PNP sa pasukan
MANILA, Philippines - Mahigit 18,000 pulis ang ikakalat ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa para sa pasukan sa susunod na linggo.
Bukod sa mga ikakalat na pulis, magtatayo din ang PNP ng 7,441 na assistance desks sa pakikipagtulungan ng mga lokal na gobyerno, Parent-Teacher Associations at non-government organizations.
Ayon sa PNP, ang inilatag nitong seguridad para sa darating na pasukan ay kanila nang ipinaalam sa Department of Education.
Bukod sa mga assitance desk, magkakaroon ng mobile at foot patrol ang mga pulis sa mga lugar na malapit sa mga paaralan upang matiyak na walang mananamantalang mga kriminal sa mga estudyante.
Sa Metro Manila, aabot sa 2,500 na mga pulis ang ikakalat sa university belt area sa Maynila.
Sa darating na Hunyo 2 na ang pasukan para sa mga pampublikong paaralan at Hunyo 6 naman sa mga privadong paaralan.
- Latest