3 Gabinete ni PNoy nasa Napoles list
MANILA, Philippines - Ibinunyag kahapon ni Sandra Cam na tatlong miyembro ng gabinete ni Pangulong Aquino ang nasa listahan ni Janet Lim Napoles.
Si Cam, presidente ng Whistleblowers Association of the Philippines ay humarap sa media kaÂsunod ng pagpapaÂsaklolo niya sa Korte Suprema.
Sinabi rin ni Cam bukod sa tatlong miyembro ng Gabinete ng Pangulo ay nakalagay din sa Napoles list ang 16 na senador na tatlo rito ay mga dating senador at 10 ang incumbent, waÂlumpung porsiyento aniÂya ay kaalyado ni PNoy.
Tumanggi si Cam na tukuyin ang mga pangalan ng mga gabineteng sangkot sa scam ngunit hinamon niya si Budget and Management Secretary Florencio Abad at Agriculture Secretary Proceso Alcala na lumantad at pasinungaÂlingan ang kanyang mga sinasabi.
Kinumpirma naman ni Cam na kasama sa Napoles list na kanyang hawak ang mga pangalan nina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy EsÂtrada at Bong Revilla.
Hinamon din ni Cam si Senate President FrankÂlinÂÂ Drilon na itanggi ang paÂkikipag-ugnayan niya kay Napoles, lalo pa aniya at minsan na ring nagsinungaling ang seÂnador na hindi niya kilala si Napoles, mister na si Jimmy at kanilang mga anak.
Iprinisinta rin ni Cam sa media ang litrato ni Drilon kasama si Napoles at pamilya, isa aniya sa mga larawan ay kuha sa libingan sa Heritage Park sa Taguig City kunsaan nakahimlay ang labi ng ina ni Mrs, Napoles.
Nagbanta rin si Cam na kapag itinanggi ni Drilon ang pagkakaroon niya ng asosasyon kay Napoles, lahat ng kanyang nalalaman laban sa senador ay kanyang ibubunyag.
Tumanggi rin si Cam na ipakita sa media ang kopya ng Napoles list na ibinigay sa kanya ng tinawag niyang “unimpeachable†source.
- Latest