HK tourists dadagsa muli
MANILA, Philippines - Ikinatuwa ng Department of Tourism (DOT) ang pagbawi ng Hong Kong government sa inisyu nilang ‘black travel alert’ laban sa Pilipinas kaya inaasahang muling dadagsain ng mga turista mula Hong Kong ang Pilipinas.
Nabatid na ang dating ‘black travel alert’ ay ibinaba sa ‘amber’ kasunod ng pagkaka-ayos ng gusot sa pagitan ng bansa at HK kaugnay sa Quirino Grandstand hostage incident noong 2010.
Ibig sabihin, ang mga Hong Kong resident na nais na bumisita sa bansa o kaya ay nasa Pilipinas na ay dapat na magmatyag sa sitwasyon at pag-ingatan ang kanilang personal na kaligtasan.
Tumagal umano ng 3 at kalahating taon ang inisÂyung black travel alert.
Ayon kay Tourism Assistant Secretary at spokesman Benito Bengzon, nagagalak sila sa positibong hakbang ng HK dahil nangangahulugan ito na maari na muling makapagbenta ang Pilipinas ng mga package tour sa mga travel agencies ng Hong Kong para sa kanilang mga residente na nais magtungo sa ating bansa.
Isa umano ang HK sa pinakamalaki at pinakamahalagang tourist market ng Pilipinas.
Noon umanong nakalipas na taon, mula sa 4.7-million na dayuhang turista na dumagsa sa bansa, 130 libo rito ay mga HK resident.
- Latest