^

Bansa

Tuason tetestigo ngayon

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tututukan ng Malacañang ang pagtestigo nga­yon sa Senado ni Ruby Tuason sa nalalaman nito sa P10 bilyong pork barrel scam at Malampaya fund scam.

Sinabi ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr., inaasahan ng Pangulo na pawang katotohanan lamang ang sasabihin ni Tuason sa harap ng mga senador at ng publiko.

Aantabayanan ng Palasyo ang mga testimonya ni Tuason hinggil sa nalalaman niya sa pork barrel at Malampaya.

Dahil sa malaking interes ng taumbayan sa isyu, sinabi ni Coloma na inaasahang tututukan din ito ng mga mamamayan dahil buwis nila ang sangkot sa anomalya.

Kaugnay nito, ipinauubaya ng Palasyo sa DOJ kung hihimuking maging testigo rin si Gigi Reyes, dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce Enrile.

AANTABAYANAN

COMMUNICATIONS SEC

GIGI REYES

HERMINIO COLOMA JR.

JUAN PONCE ENRILE

MALAMPAYA

PALASYO

RUBY TUASON

TUASON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with