^

Bansa

PANOORIN: AI, hindi itinuturing na banta ng Pilipinas – DFA

Geraldine Santos - Philstar.com

MANILA, Philippines — Iginiit ni Foreign Affairs Secretary Theresa Lazaro na hindi itinuturing ng Pilipinas na banta ang artificial intelligence (AI) at bukas ang bansa sa pag-aaral ng teknolohiyang ito.

"Hindi banta ang AI. Iyan ang posisyon ng Pilipinas. Inaasahan naming mas marami pa kaming matututuhan tungkol sa AI," ani Lazaro matapos ang press briefing nitong Lunes, Nobyembre 16.

Sinabi ito ni Lazaro nang tanungin tungkol sa panukalang AI initiative ng South Korea sa ASEAN Summit sa Maynila.

Ayon sa kalihim, napag-usapan na ng mga lider ang panukala ngunit kailangan pang linawin at buuin ang mga detalye nito.

Ginawa ni Lazaro ang pahayag sa gitna ng mga protesta laban sa Pax Silica, isang inisyatibang pinangungunahan ng Estados Unidos na naglalayong palakasin ang mga pandaigdigang supply chain para sa semiconductors at AI.

Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si US President Donald Trump ngayong Martes, Nobyembre 17.

AI

ARTIFICIAL INTELLIGENCE

ASEAN

ASEAN 2026

DFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with