^

Bansa

Bill sa sukli inihain

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipagbabawal na ang hindi pagbibigay ng eksaktong barya sa mga consumers.

Ito ay sa sandaling maisabatas ang House Bill 3606 o Exact Change bill ni Las Piñas Rep. Mark Villar na nagtatakda din ng parusang kakaharapin ng mga taong magbibigay ng kulang na sukli.

Nakasaad sa panukala na pagmumultahin ng 500 hanggang 25,000 piso ang sinuman na magbibigay ng kulang na sukli at masususpinde o matatanggalan pa ito ng business permit.

Ang mga establisyimento naman ay dapat na magpaskil ng karatula sa kanilang counter na nagsasabing “demand your exact change” o hingin ang iyong eksaktong sukli.

Iginiit  ni Villar na ang kanyang panukala ay pagbibigay ng proteksyon sa karapatan ng mga mamimili at upang matapos  na rin ang mapang-abusong sistema ng ilang establisimiyento.

EXACT CHANGE

HOUSE BILL

IGINIIT

IPAGBABAWAL

LAS PI

MARK VILLAR

NAKASAAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with