^

Bansa

Backpack, paputok bawal

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aarestuhin ang sinu­mang indibidwal na magpapaputok o gagamit ng pyrotechnics sa prusisyon ng Black Nazarene ngayon.

Bawal rin ang mga backpack dahil karaniwan ng ginagamit ito para pag­lagyan ng mga bomba at bagaman wala namang banta sa seguridad o pananabotahe sa nasabing okasyon ay nais lamang ng NCRPO na matiyak ang seguridad.

Ayon kay National Capital Region Police Office Chief P/Director Carmelo Valmoria, all systems go na ang kapulisan sa pista ng Itim na Nazareno na inaasahang dadagsain ng 12 milyong debotong Katoliko.

Ang NCRPO ay nasa ‘full alert status’ pa rin mula pa noong Disyembre 19 sa pagdiriwang ng kapaskuhan at nagpatuloy sa Black Nazarene Feast.

Mahigit 6,000 pulis bukod pa sa mga force multipliers tulad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) personnel na ipakakalat sa nasabing okasyon.

Muli ring iginiit ni Valmoria na walang pa­ngangailangan na i-jam ang cellphone signals sa mga lugar na daraanan ng prusisyon dahil wala naman umanong banta sa seguridad.

AARESTUHIN

AYON

BAWAL

BLACK NAZARENE

BLACK NAZARENE FEAST

DIRECTOR CARMELO VALMORIA

DISYEMBRE

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE CHIEF P

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with