Presyo sa bentahan ng enerhiya binabaan ng ERC
MANILA, Philippines - Dahil sa lumalaking galit ng taumbayan sa patuloy na pagtaas sa presyo ng kuryente, ibinaba ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang presyo sa bentahan ng enerhiya sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na isa sa nagsusuplay ng enerhiya sa Manila Electric Co. (Meralco).
Nagpalabas ang Department of Energy, “spot market operators†at Philippine Electricity Market Corp. ng resolusyon para ibaba ng ERC ang “price cap†ng ibinibentang enerhiya ng WESM sa P32,000 kada megawatt hour buhat sa kasalukuyang P62,000 mWh o P32 kada kilowatt hour o P62/kWh.
Ang price cap ang pinakamataas na halaga na maaaÂring ibenta ng mga energy suppliers.
Epektibo ang price cap hanggang hindi nakakapagpaÂlabas ng bagong “price cap†sa loob ng 90 araw makaraang mapirmahan ang “joint resolutionâ€. Patuloy naman ang pag-aaral sa pinaka rasonable na presyo ng enerhiya na ibinibenta sa lokal na merkado habang pansamantala o temporary lamang ang price cap.
Ang naturang pagpapababa sa presyo ng enerhiya sa WESM ay kasunod ng sunud-sunod na protesta sa P4.15/kWh na pagtataas ng Meralco sa generation charge mula Disyembre hanggang Marso na pansamantalang nakabinbin dahil sa inilabas na temporary restraining order ng Korte Suprema.
Napilitang bumili ng mas mahal na enerhiya ang Meralco sa WESM matapos na magsara ang Malampaya natural gas plant na sinundan ng pagsasara rin ng ibang power plants kaya tumaas ang hinala ng pagsasabwatan ng mga ito para makalikha ng artipisyal na pagtataas sa halaga ng kuryente.
Nilikha ang WESM sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) nong 2001 na layon sanang magkaroon ng kumpetisyon sa mga power suppliers at magkaroon ng mas mababang halaga ng enerhiya ngunit hindi ito nangyayari.
- Latest