^

Bansa

Zero crime sa laban ni Pacman

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahan ng Philippine National Police (PNP) ang zero crime rate sa nakatakdang laban ni Pambansang Kamao Manny “Pacman’ Pacquiao kay  Brandon “Bambam” Rios sa darating na Linggo sa Macau, China.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief P/ Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, tulad ng mga nagdaang boxing match ni Pacman ay ‘zero crime’ rate ang naitatala ng PNP partikular na sa Metro Manila.

Tiwala si Pacman na makakabawi sa ‘back to back’ na pagkatalo kina American boxer Timothy Bradley at Mexican boxer Juan Manuel Marquez sa laban kay Rios sa The Venetian Macao.

Tiniyak naman ni Sindac na mananatili silang vigilante sa pagbabantay laban sa mga masasamang elemento upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

Karaniwan ng tumitigil ang mundo ng mga Pinoy at maging ng mga pulis na nanonood ng boxing sa tuwing may laban si Pacman.

Dahil kanselado na ang live screening ng laban ni Pacman-Rios sa PNP Multi Purpose Center sa Camp Crame para ang matitipid na pondo na idodonasyon na lamang sa mga pulis na biktima ng bagyong Yolanda sa Samar at Leyte ay maari naman aniyang sa bahay na lamang manood ang mga pulis na hindi naka-duty.

Nilinaw naman ni Sindac na tanging  ang free viewing lamang sa Camp Crame ang kanselado at sa mga Regional Offices ay ipauubaya na lamang sa mga opisyal ng mga ito.

CAMP CRAME

JUAN MANUEL MARQUEZ

METRO MANILA

MULTI PURPOSE CENTER

PACMAN

PAMBANSANG KAMAO MANNY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUBLIC INFORMATION OFFICE CHIEF P

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with