Apela ng na-disqualify na partylist ibinasura ng Korte
MANILA, Philippines - Ibinasura ng Korte Suprema ang apela ng isang na-disqualify na partylist group na hindi pinayagang lumahok sa idinaos na halalan noong May 2013 elections.
Sa en banc ruling, hindi pinakinggan ng Kataas-taasang Hukuman ang motion for reconsideration na inihain ng 1Para sa Bayan (1PSB) na humihiling na bawiin ang orihinal na desisyon ng mga mahistrado na pumabor sa ginawang pagdiskuwalipika ng Commission on Elections sa kanilang grupo.
Sa resolusyon ni Atty. Enriqueta Vidal, Clerk of Court ng SC en banc, walang bagong argument na naiprisinta ang nasabing party-list upang baligtarin ng mga justice ang kanilang unang ruling.
Matatandaang ibinalik ng SC sa Comelec ang petition ng ilang partylist candidates upang tukuyin kung sila ay maaaring pagkalooban ng accreditation na sumali sa party list poll alinsunod sa mga bagong panuntunan.
- Latest