^

Bansa

Honorarium ng mga guro matatanggap agad – DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na agad matatanggap ng mga guro ang kanilang honorarium matapos na sila ay nagsilbing Board of Election Tellers (BET) sa idinaos sa barangay election kahapon.

Ayon kay DepEd Undersecretary Alberto Muyot, ngayong araw na ito o kaya ay bukas ng umaga ay maibibigay na sa mga guro ang kanilang honorarium.

Sinabi ni Muyot, cash na matatanggap ng mga BET ang P2,000 na sahod at P500 travel allowance dahil sa kanilang ibinigay na serbisyo at pagsisilbi sa halalan.

Inihayag pa ni Muyot na wala silang natanggap na report na nagkaroon ng harassment sa mga guro na nagsilbing  BET sa election.

Hinggil naman sa kahilingan ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na gawing rest day para sa mga guro ngayong araw (Oktubre 29), iginiit ni Muyot na nasa pasya o discretion ito ng  kanilang principal.

AYON

BOARD OF ELECTION TELLERS

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIGNITY COALITION

HINGGIL

INIHAYAG

MUYOT

OKTUBRE

SINABI

UNDERSECRETARY ALBERTO MUYOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with