^

Bansa

Patay sa lindol: 167

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umakyat na sa 167 ang bilang ng mga nasawi sa 7.2 magnitude na lindol na yumanig sa Central Visayas nitong Oktubre 15.

Sa pinagsamang ulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario at ng lokal na pulisya, sa 162 namatay, 155 ay mula sa Bohol, 11 sa Cebu at isa sa Siquijor.

Naitala naman sa 374 ang nasugatan, 182 dito ay sa Cebu, 188 sa Bohol, 3 sa Siquijor at isa sa Negros Oriental.

Naglunsad na rin ng malawakang search and rescue operations ang iba’t ibang rescue team ng AFP at PNP sa may 21 pang katao na na-trap sa mga gumuhong istruktura sa Bohol.

Gumagamit na ng mga K9 dogs ang search and rescue operation teams upang hanapin ang nasa 21 residente.

Samantala, umabot na sa 1,213 aftershocks ang naitala hanggang alas-5 ng madaling araw, 24 dito ang naramdaman at ang pinakamalakas ay may intensity 5.

 

BOHOL

CEBU

CENTRAL VISAYAS

EXECUTIVE DIRECTOR EDUARDO

GUMAGAMIT

NAGLUNSAD

NAITALA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NEGROS ORIENTAL

SIQUIJOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with