^

Bansa

Tulong ng UN sa Zambo crisis hindi kailangan -- Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi kailangan ang tulong ng international community upang lutasin ang krisis sa Zamboanga City at para sa rehabi­litation nito.

Sinabi ni Presidential Communications Group Sec. Ricky Carandang, kayang-kaya ng gobyerno na resolbahin ang gulo sa Zamboanga nang hindi humihingi ng tulong sa Uni­ted Nations upang malutas agad ang problemang nilikha ng MNLF-Misuari faction.

“We have the resour­ces to deal with it,” sabi ni Carandang kaugnay sa naging pahayag ng UN na ang sitwasyon daw sa Zamboanga City ay itnituring nang “humanitarian crisis” matapos umabot sa mahigit 100,000 residente ang naapektuhan ng kaguluhan at napilitang iwan ang kanilang mga tahanan.

Nagpapasalamat naman ng Palasyo sa pag-aalok ng tulong ng UN.

Nilinaw din ni Carandang na hindi masisimulan ang ‘full blown rehabilitation’ sa Zamboanga kung patuloy pa rin ang paghahasik ng kaguluhan ng MNLF-Misuari faction.

 

vuukle comment

CARANDANG

MISUARI

NAGPAPASALAMAT

NILINAW

PALASYO

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS GROUP SEC

RICKY CARANDANG

ZAMBOANGA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with