^

Bansa

Paglilinis sa tumagas na langis pinamamadali ni Pnoy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinamamadali ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno ang paglilinis ng oil spill sa baybayin ng  Cavite lalo pa’t naapektuhan na rin ang iba pang komunidad sa Calabarzon katulad ng Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nais ng Pangulo na pagtuunan ng pansin ang ‘clean-up opearation’ dahil maraming barangay na ang apektado.

Inihayag din ni Valte na nag-meeting na ang Philippines Coast Guard at ang mga kinatawan ng mga korporasyon na posibleng may pananagutan sa  oil spill at maging ang mga opisyal ng local go­vernment units.

Napagkasunduan umano ang pagdi-dispatch ng karagdagang tugboats at marine environment personnel para mas mapabilis ang clean-up operations. Bumuo na rin ng  ‘adjudication team’ ang Philippine Coast Guard (PCG) para madetermina kung saan ang pinanggalingan ng leak at kung sino ang dapat managot.

May ulat na nagtuturuan ang Petron at iba pang kompanya sa nangyaring oil spill kaya kasama ang mga ito sa ginawang meeting.

 

AYON

BATANGAS

BUMUO

CALABARZON

CAVITE

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINES COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with